pasok lang! tuloy kayo!

BARYA LANG SA UMAGA!


BARYA LANG DIN SA GABI!


BARYA LANG FOREVER BOSS!

Saturday, November 20, 2010

NO TEARS TONIGHT


Masama bang humanap ng friend?

Masama bang humanap ng atensyon sa isang tao?

Masama bang magpahinga?

Masama bang makaramdam din ako ng hirap paminsan minsan?

Masama bang magtampo?

Masama bang maging ako lang--kung ano lang ako, yun na...walang pagkukuwari o kahit ano pa?

Masama bang umiyak gabi gabi at itago sa lahat yung dahilan?


Wala naman akong ibang ginusto kundi gustuhin din ako ng mga tao sa paligid ko.

Pero minsan nakakapagod din.

At siguro, hinding hindi nila ako matututunang tanggapin hanggang di ko matatanggap kahit sa sarili ko kung ano talaga ako.

Sa lahat ng bagay pinilit ko na maging "the best", pero yung 100% na yun parang sa ibang tao kulang pa...parang gusto nila na ibigay ko na yung 200%...

Isa lang natutunan ko sa lahat ng bagay na pinagdaanan ko...

Ang pinakamahalaga, mapatunayan ko sa SARILI KO na KAYA KO at maging totoo AKO sa SARILI KO...pag nagawa ko yun, TAPOS NA. Okay na sa akin yun, di na mahalaga kung matuwa pa kayo o makuntento, basta sa SARILI KO, alam kong WALA AKONG NATATAPAKAN at WALA AKONG NASASAKTAN, okay na ako don. Pero sa puntong kailangan ko pa MAGING HINDI AKO...o maging IBANG TAO para lang SUMAYA KAYO...PARA LANG TANGGAPIN AKO..ABA, IBANG USAPAN NA YAN...

haha, basta ang alam ko lang,

nakakapagod mag sorry kahit wala kang ginagawang mali...

nakakapagod umiyak matapos na ikaw yung gamitin...

nakakapagod dumaldal ng walang katapusan para lang pansinin ka...

nakakapagod umintindi sa taong ayaw magpaintindi...

nakakapagod magpakahirap tapos di ka rin maaappreciate...

isa lang...

TO HELL WITH YOU GUYS.

:)

bahala kayo sa buhay nyo...tanggapin nyo man ako o hindi, hindi ko ikamamatay yan. :)

minsan lang ako magpakatotoo sa nararamdaman ko ginago nyo pa---di ko kawalan yan. di rin malaking kabawasan sa buhay ko kung mawalan ako ng kaibigan o kasama sa buhay.


Kuntento na akong mag isa. Kuntento naman na din ako sa pakiramdam na ganito...kagagalitan ng walang dahilan, iiwan matapos ng lahat lahat.

Dyan ba kayo masaya? OKAY :D susuporthan ko kayo dyan.


Wag nyo lang akong gagalitin...

I IS WILD. YOU IS BEWARE. I KILL YOU.

:))))))))))))))

Saturday, October 23, 2010

MABUHAY! Happy Fierce Day Today!!! haha joke joke

ok, simulan natin ang blog na to sa isang spelling exercise...
.
.
.
.
.
.
JOKE. panuorin nyo na lang tong mokong na to na pagkahina hina sa letter "K".
.
.
.
.
.
O tapos ayun nga continuation ng blog ko kanina na pinaagatang PANSIT.


akala ko gagaan na pakiramdam ko nung nakatakas na ako mula sa office na yon.

okay okay okay...

lakad lakad lakad...


okay okay okay...



lakad lakad lakad...


habang naglalakad kami ng pinakamamahal kong groupmates, walang palya ang paglingon ko sa likuran ko sa pagaaakalang may sumusunod na mumu...

TAPOS NASA MAY SOUTHGATE WING NA KAMI NG SCHOOL....

medyo madilim...

tahimik...

biglang may maliit na boses....


ahiiiiiiiiiiiiiiiiiii...huuuuuuuuuuuuu...hiiiiiiiiiiiii....

AKALA KO NAMAN MULTO! LALABAS NA SANA MATA KO MULA SA *CHUCHU* NITO.

napakalma naman kami kasi si Kuya Janitor lang yun na medyo nalulungkot sa kanyang pag iisa...


kaya dumiretso na kami sa McDonalds para patahimikin ang ang mga....higanteng tiyan.


TAPOS DUN NA NAMIN NA-MEET SI AIZA.

ang babaeng pumawi ng aking pagkabugnot sa mundo, ang babaeng tunay na nagpatibok ng puso ko...ang babaeng tunay na nagpataas ng kilay ko sa gitna ng isang gabing madilim...

si Aiza...


at kung anong nangyari?



TSAKA KO NA KUKWENTO. INAANTOK NA AKO.
BUKAS ULIT ;))

Aiza, kung nasaan ka man, sorry :)) I love you!

=))))))))))))))))))))))))


Pansit: pampahaba ng buhay, pampahaba ng konsumisyon.


OKAY

sabado ngayon, dapat nasa bahay lang ako nanunuod ng TV, nakain ng Nova at nakahilata sa kama buong araw...kaso hindi ganun ang drama.


gumising ako ng ala-singko ng madalaing araw para mag review sa DEVWEB tapos pumasok ng school with matching takbo takbo epeks pa para di malate...kaso GANUN DIN...

L-A-T-E. wala namang bago. umasa ka pa sakin na papasok ako ng maaga :))

"The Queen is never let, they just arrived too early"

----OH, TATANUNGIN NYO ANO KONEK NYAN KUNG SINASABI KO BA NA QUEEN AKO AT DAPAT AKO ITRATO BILANG QUEEN--NA EXEMPTED LAGI PAG LATE?



...ang sagot ko, hindi. :)) wala lang sinabi ko lang para fierce.


o tapos ayun nga maghapon kami gumawa ng lintik na forms na lang para naman sa DATBAS, muntik ko na nga makalimutan BS InSys ang program ko kasi akala ko na e Bachelor of Science in Utilizing Netbeans Major in Forms Minor in PrintScreen...para lang medyo mapuna at malait pagdating ng gabi.


--------------------pa-utot ako saglit.
--------------------ibig kong sabihin e maglalabas ako ng sama ng loob!

ganit yon, gumawa kami ng forms all day long tapos napilitan pa kami umakyat sa 4th floor para mapagbigyan ang hilig ng isang member...tapos pag akyat namin don, medyo fail daw mga gawa namin tapos ang labas, sya na gagawa kasi sya naman nakakaintindi dahil nga kahit ang dami na namin e mali parin kami ng ginawa....

OKAY NA SANA E.


kaso parang gusto gusto nya lang talaga durugin puso ko dahil sa sobrang ganda ko daw kelangan na ako manahimik...

NAGTANONG SYA...walang eksatong kausap.

E AKO SI GIRL BIBBO...sagot to the max.

sagot.

tanong.

sagot pa.

tanong paaaaaaaaaaaa.

sagot paaaaaaaaaaaa.

AT IISA LANG ANG MGA TINATANONG NYA. INUULIT ULIT LANG NYA.

so ang dating e HINDI NYA AKO NARIRINIG.

e anak ng puto't dinuguang panis naman sa style yan...

MAGTATANONG KA PAG SUMAGOT AKO DI MO PAPANSIN?

ANO KO DI KAPANIPANIWALA?

ANO, PINAGDIDIINAN MONG TANGA KO?

YUN BA?!


kung ganun man, okay.


gutom ako kanina e so wala ako sa mood makipagtalo sayo kung sino ka man...

so nanahimik na ako.


TAPOS ITO.

NAALALA KO...

pagkakain namin sa Tokyo Tokyo...

[syempre ako na naman ang diet: Beef Teriyako, Prawn Tempura at kung anu ano pang order]

tong pagkaing to...

ANG LIIT LIIT NG SHRIMP E PAGKAMAHAL MAHAL.


nakakaloko pows.

TAPOS...

di ko alam kung meron tong sleeping powder...

PERO SANA WALA...

isipin mo naman pagbalik na pagbalik ko ng Gokongwei Building, pagkaupo ko...SHITNAMALAGKITNAKUMAKAPIT! parang sinisipsip yung energy ko!

LANTANG GULAY is the word!

hinang hina ako at kating kati bibig ko.

as in konting kumurap ako pakiramdam ko tutulog agad ako...


GRABENG TOKYO TOKYO...hindi hindi pumalya sa pag sorpresa sakin...


ISA SA MGA BAGAY NA BUMUO NG ARAW KO.



----------------------Prawn Tempura From Hell.

Friday, October 15, 2010

Ms. Beautiful

you know the thing called news feed?
ok, not everyone is interested in your stories, GET OVER YOURSELF,

if it happened that I "liked" your status, that does not mean that I am stalking you or what,

i saw it on my news feed.

why would I even waste a minute of my time to go to your lame profile-just talking about your stupid sentiments, foolish love stories and stuff, duh...


IF YOU DO NOT WANT PEOPLE LURKING ONTO YOUR CONVERSATIONS AND THEN I SUGGEST YOU QUIT FACEBOOK.

IDIOT.

sorry if I sound too harsh, it's just that YOU'RE ATTITUDE IS VERY INTOLERABLE.


FEELER MUCH.

Saturday, September 25, 2010

If there's a wheel, there's a way.

PAG GUSTO MO, MARAMING PARAAN...


PAG AYAW MO MARAMING DAHILAN.



I'll just let these lines speak for what I am feeling right now. :D

Monday, September 20, 2010

ang ganda mo nga saksakan naman ng panget ang ugali mo, wala rin :)

Ano daw silbi ng ganda mo kung bobo ka naman?

May sagot ako dyan...pang Miss Universe na sagot para sa pang Miss Universe na tanong:

Aanhin mo ang ganda mo kung bobo ka naman? Simple lang. PUHUNAN.

e sa wala ka talagang alam e, pagpipilitan mo bang magmukha kang matalino kahit hindi naman at kung pwede mo naman gamitin mukha mo para kumita. Mag artista ka at mag model ka...hindi pa katapusan ng mundo mo pag bobo ka, BASTA MAGANDA KA. (pero kung tagilid na nga sa talino, tagilid pa sa itsura, aba...medyo mag effort ka na dyan, biro lang. :p)

Tsaka ito yun e, naniniwala akong WALANG TAONG TANGA o BOBO. Tamad, madami.

Pero ito ang pinakamatinding tanong sa lahat na kahit ako naaaliw ding sagutin...

AANHIN MO ANG GANDA MO KUNG SAKSAKAN NAMAN NG PANGET ANG PAG-UUGALI MO.

sabihin nating ang ganda ganda mo nga, sexy ka nga, idol ka ng campus, maputi at matangkad, balingkinitan at may WOW factor pa tuwing dadaan ka, e kung kasing gaspang naman ng LIHA yang pag-uugali mo, wala rin.

ang daming may gusto sayo, e instead na itrato mo ng maayos, PINAGLARUAN mo, PINAASA mo sa WALA, PINAKINABANGAN mo pa, e wala rin, bulok rin yang ganda mo.

ang ganda ganda mo nga namimili ka naman ng kakaibiganin, yun bang tipong sa kapwa mo magaganda ka lang din sumasama, e wala rin, di mo man lang pinakinabangan sa tama yang ganda mo...

ang ganda ganda mo nga pero ang lakas mo namang manggamit, para kang pulitiko, wala rin.
"uy, love mo naman ako diba, pakigawa naman to please"
"yu, crush, pakopya naman ako ng ganito mo..."

TAPOS, pag wala kang kailangan sa kanila, ididispose mo na. MALI YAN E. maling mali.


PERO SIGE SABIHIN NATING GANITO...

YOU'RE ONLY USING YOUR RESOURCES TO GET YOU NEEDS...

pero tingin mo ba tama yang means mo sa pagkuha ng kung anong kailangan mo?

BAKA HINDI...iCheck mo muna.


wala naman akong gustong patamaan sa lahat ng sinabi, kumbaga, kung matamaan ka, e di sorry, ganyan ka e, di ko na kasalanan yun, sinabi ko lang ano gusto ko sabihin...at kung naaliw ka naman, salamat sa pakikinig at pagtawa sa lahat ng sinabi ko.

basta ito lang...bobo ka man o matalino, panget ka man o maganda....

KUNG HINDI KA MARUNONG MAKIPAG KAPWA TAO NG MAAYOS, wala rin.

nasa ugali at nasa pagdadala lang yan...nasa nagdadala na rin.

Monday, August 23, 2010

grabe ka Captain Mendoza

alam mo.





ang sama mo.




kung anuman dahilan mo sa paggawa mo nyan, ewan ko na lang.





pwede pa naman kasi natin pag-usapan yan





bakit ba ang dami mo pang dinamay?




e wala naman silang kinalaman sa pinagdadaanan mo!?







ang sama mo.






okay. 'nuff said.

PINAKAMASAYANG ARAW

nag simula kaninang umaga

paggising ko akala ko tagilig na ako

una sa lahat, LATE NA AKO NAGISING.

9:00 am na

pero 9:40 ang klase ko

NAPAKA PUNCTUAL KO FOREVER :(

pero dahil nga TODAY IS A GOOD DAY
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
10:00 po nag start ang klase TAPOS!!!
wala naman talagang formal lecture :))

I LOVE YOU LORD.

pangalawa.

kinuha ko exam result ko :)

AYIE!!!

PANGATLO

debate sa scienvc: win

debate sa soctec: win


REVISIONS NG PAPER NAMIN:


TAPOS NA POOOOOOOOOO!!!! :D

theeeeeeeeeeen....

EEEEEEEEEEEEEEEEEE....


nakuha ko na yung integrative essay ko sa soctec, over 10, hindi na rin masama :D hahaha. AP din e :D ;)


HINDI AKO INSPIRED!!!


I'M JUST TAKING MY STUDY HABITS INTO A WHOLE NEW LEVEL


alam na....MAY PINAGHUHUGUTAN! :)))


kelangan ko na magseryoso :(

ito na pinili kong program, kelangan maintindihan ko na lahat ng pinaggagagawa ko.


PAPASA AKO!!! :D


PAPASA AKO! PAPASA AT PAPASA AKO!!!
ngayong term na to.


\:D/



I LOVE YOU MONDAY! :-*

Saturday, August 21, 2010

AYOKO SANA MABADTRIP E. kaso gutom ako. TAPOS WALANG MAKAIN.



mga gagong sagot sa gagong tanong

1. TULOG KA NA BA?

-OO! OO KITA MO NGANG NAGAWA PA KITANG SAGUTIN! OO TULOG NA AKOOOOOOO!!!


2. BUNTIS KA PALA?

-HINDE! BUNDAT LANG AKO! INUBOS KO BUONG LECHON!!!



3. ay namamanhid? anong feeling?

-MASARAP! MASARAP NA MASARAP! SOBRANG SARAP! HEAVEN!

4. mag isa ka lang?

-HINDE! HINDE HINDE! KASAMA KO IMAGINARY FRIENDS KO! SAMPU KAMI LAHAT! BILANGIN MO PA!!!

5. wow gabi na ba?

-OO KAHAPON PA! KAHAPON PA GABI! WALA KANG MALAY!

6. (pagtapos madapa) OK KA LANG? MASAKIT BA?

-HINDE! MASARAP! EXHIBITION KO YON E! TIGNAN MO NGA O WALANG DUGO! ANG SARAP! ITRY MO!

7. (habang nagtatanggal ng tinga) KUMAIN KA NA?

-hindi pa! INAALIS KO LANG YUNG MGA TUMUBONG TINGA SA NGIPIN KO!

8. totoo bang masaya ang mga manok sa Jollibee nung pinatay at niluto sila?

-MALAY KO! MANOK BA KO SA JOLLIBEE! SILA TANUNGIN MO!

9. pwede pa bang gamitin ang a.m radio sa gabi?

-HINDI NA! PANGHAPON LANG YAN!!!! badtrip ka e.

10. (pagkatapos maligo at basang basa pa) NALIGO KA NA PALA!

-hindi pa! PINAGPAWISAN LANG AKO! BANGO NG PAWIS KO NO!


e. ang korni ko e. wala kasi akong maisip. sige dagdagan nyo na lang pag meron kayo naisip! :>

paalam! babye! :D

AALIS KA NA?

hinde! hindi pa! shit ka! BABYE NGA E! ibig sabihin nyan HAPPY BIRTHDAY!

sa dami ng gagawin ko, natulala na lang ako.

una sa lahat, gusto ko simulan tong blog na to ng isang mainit na pagbati

MAGANDANG UMAGA LOURDES!!! :))

FOR ONE REASON:

wala naman kasi ibang dumadaan dito sa blog na to
kundi ako rin mismo :))

at least nagpapakatotoo ako :))

AYAW NYO KASI PANSININ BLOG KO E :(( sobrang busy nyo :|

ok

sa dami ng gagawin ko natutulala na lang ako

kaninang 11pm, August 21, 2010, sinabi ko sa sarili ko
SISIMULAN KO NA SPEECOM PRESENTATION KO

e 3:26am na ngayon, August 22, 2010

wala parin akong nagagawa

isa lang...tulala ako e.

hindi ko alam paano ko sisimulan

hindi naman siguro sa hindi ako inspired pero alam mo yon?

KULANG SA TULAK E! wala pang pressure e T_T

siguro ganun lang talaga ako,

gusto ko munang mag-usok tenga ko sa katarantahan ko bago ko simulan ang mga bagay bagay

lagi na lang ako naghahangad ng adrenaline rush bago ako mag trabaho

alam ko naman masamang bisyo yon

pero masisisi mo ba naman ako na isang linggo akong di natulog nung nakaraang linggo

kasi ba naman isang daang porsyento ng lakas ko binuhos ko na para lang sa iisang subject requirement T_T tapos may revisions pa pala yon.

grabe. di ko talaga akalaing ganito ka-stressful ang pagiging college student

SUSMARYOSEP. so sobrang hirap e napilitan akong mamaalam sa napakagandang frizzy hair ko

HALOS MAPANOT NA AKO sa paglalagas ng buhok ko.

sabi nila sa init lang daw ng panahon

E PANO NAMAN AKO MANINIWALA MULA UMAGA HANGGANG GABI NASA DE-AIRCON NA KWARTO AKO!

malakas ang paniniwala ko, pressured na ako sa pag-aaral ko kaya ganun.

CONGRATULATIONS TO ME! NAG-AARAL NA AKO!!! FINALLY!!! :p

hindi kasi naglagas ng ganito buhok ko nung highschool e. KASI NGA TAMAD AKO DATI.

pero naalala ko nga

sabi nila

"do not do something great when you cannot handle the congratulation"

KUNG ANUMANG KONEK NON SA BLOG?


ewan ko.

trip ko ilagay e :))

SIGE PAALAM. mamaya ulit. GISING NA NANAY KO E T_T

ayokong msermunan sa ganitong oras

BADTRIP AKO! :)) JOKE LANG! :p


PS. mahal kita alam mo yon, sana wag mo sayangin yon
TO: SANDES.

Monday, August 9, 2010

b-a-d-t-r-i-p-k-a-p-o. F-U-po.

sa totoo lang

hindi ko maisip ng lubos

bakit sadyang may mga taong hindi ka titigilan

hangga't di nila nakikitang nasisira ka?

ANO BANG NAGING KASALANAN KO AT KINAKAILANGAN

PA NA TAGAIN AKO SA LIKURAN KO?

nananahimik na naman ako e

sinusubukan ko

hakshuli

LUMAYO NA NGA AKO KAHIT WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA IN THE PERS PLEYS.

alam mo na, iwas pusoy, iwas usapan, iwas away.

PERO BAKIT AYAW NYO KO TIGILAN???


watchorprablem???

hay, kung anuman yang pinoproblema nyo...

problemahin nyo na yan.

siraan nyo na lang ako ng siraan forever

alam ko naman sinong tunay na kaibigan ko

alam ko kung sinong nakakakilala sa akin

at kung sinasabi nyong wala akong tunay na kaibigan

aba, PARA KANG NAGTUTOK NG BARIL SA SARILI MO


baka sarili mo mismo ang tinutukoy mo
na sinasabi mong
isa sa mga huwad kong "kaibigan"


poryerhimfurmesyon

TAHIMIK NA AKO

hindi ko lang talaga matiiis yang ginagawa mo

na ako na ang inargabyado mo,

ako na tinapaktapakan mo

ngayon ako pa pag mumukhain mong peste?
shet. demet.stapet. plez!

TUMAHIMIK NA AKO E. hindi rin naman kasi ako nag salita ever since.

TUMAHIMIK KA NA LANG DIN. stop talking shit about me. :D

Nagmamahal,

Ipis.

Sunday, August 8, 2010

MAY KAPRENG KINAKASAL!

pustahan pa tayo, pre.

pag umakyat ka sa langit
na hindi ko naman alam kung nag eexist ba talaga o hinde
e sure ako
may kapreng kinakasal
ang lakas kasi ng ulan
kasing lakas ng tama ko sayo

pero since ang kapre e nasa puno lang
binabawi ko na
joke lang
walang kapre sa langit
pero siguro meron
kapreng mabait na natepok
umakyat sa langit
sing taas ng paghanga ko sayo

sa lakas ng ulan
wala akong magawa
kundi mag emote
kasi ang hina ng wifi
kasing hina ng pag-asa ko sayo

sa lakas ng ulan
at sa taas ng baha
bakit di pa ako tinangay ng hangin
papunta sa kinalalagyan mo?
bakit?
unfair.

tapos ito pa
napapaemote ako
kasi naaalala ko pa ang mga panahon
kung kailang bonggang happiness ang binibigay sakin ng ulan
paano, no classes kinaumagahan
matapos ang bagyong malupit
e kasi i have grown so big
so big that i became waterproof

minsan sinasabi ko na lang
Lord bakit mo ba ako ginawang tao
sana kapre na lang ako
para tuwing Ber Months
at tuwing tag-ulan e ako din ay kinakasal
para kahit manigas ako sa lamig
atleast inlababo naman ako

pero ganun pa man
badtrip pa rin ako
kung sinumang kapre yang kinakasal na yan
wag naman sanang dalas dalasan
ang pagpapakasal
hassle yung baha e
tapos after ng ulan
i mean, after ng kasal nila
honeymoon naman

lights off
brown out

nakakabadtrip kaya

e kung ba naman may
grand kasalan day ang mga kapre
tapos itatapat pa nila sa examination day ko
tapos isabay na din nila honeymoon nila
e di sana tiba tiba na rin ako

sana may kapreng makabasa ng blog ko
o alam mo na mga request ko, dear kapre.
pagbigyan mo na ako minsan lang

sa tuwing masaya ka naman
dahil kinakasal ka
at may ulan effects pa
e ako naman ay nalulungkot
hay.

sana kasi kinuha mo akong abay

layp is neber peyr
del wid et

Thursday, August 5, 2010

nakakahiyang pangyayari

isang hapon...

galing sa school, sa Goks Lobby para precise ang kwentuhan.

lumbas na ako ng gate tapos sumakay ng dyip. tapos bumaba para sumakay pa ulit sa isa pang dyip na ang ruta e pasa-amin na.

habang nasa dyip, malalim akong nag-iisip paano nga ba ako papasa sa isa kong subject.

ayokong bumagsak don.
  • unang una, mahal tuition nung nag iisang badtrip na course yon
  • pangalawa, ayoko na madelay
  • pangatlo, strict na yung prof na maghahandle ng subject na yon sa susunod na term

para mag mukhang normal na tao, kinuha ko lang muna saglit yung telepono ko, pindot pindot, kunwari may katext kahit wala naman.

e naaburido talaga ako, e di tumunganga na lang ulit ako.

tapos di ko namalayang bababa na pala ako.
sobrang preoccupied ng kautakan ko nung mga panahon yon
kaya nung pag abot ng dyip sa may kanto sa amin

buong lakas, buong yabang at buong tapang kong isinigaw and salitang:


"BAAAAAAAAAAYAAAAAAAAAAAAAAD!!!!"



***para bumaba.***


sa sobrang lalim ng pag-iisip ko, nawala na ako sa sistema ko. natauhan na lang ako nung narinig ko yung ale sa tabi ko na nag comment pa.

"AY ANG TANGA NYA"

di ko na pinansin yung ale, di naman nya alam anong damdamin ko noong mga panahong yon, di naman nya alam mga pinag dadaanan ko at higit sa lahat, hindi nila ako kilala, so ok lang magkalat :))

pero dyahe parin, sinabi ko "BAYAD" sabay baba, parang nilegalize ko lang yung pag wawan-tu-tri ko diba! O_O

pero ang masaklap lang, masyado na talaga akong kinakabahan sa SANDES course na yon
pati utak ko kinabag na

hay. buhay. parang bato. it's hard. :| :(