pag umakyat ka sa langit
na hindi ko naman alam kung nag eexist ba talaga o hinde
e sure ako
may kapreng kinakasal
ang lakas kasi ng ulan
kasing lakas ng tama ko sayo
pero since ang kapre e nasa puno lang
binabawi ko na
joke lang
walang kapre sa langit
pero siguro meron
kapreng mabait na natepok
umakyat sa langit
sing taas ng paghanga ko sayo
sa lakas ng ulan
wala akong magawa
kundi mag emote
kasi ang hina ng wifi
kasing hina ng pag-asa ko sayo
sa lakas ng ulan
at sa taas ng baha
bakit di pa ako tinangay ng hangin
papunta sa kinalalagyan mo?
bakit?
unfair.
tapos ito pa
napapaemote ako
kasi naaalala ko pa ang mga panahon
kung kailang bonggang happiness ang binibigay sakin ng ulan
paano, no classes kinaumagahan
matapos ang bagyong malupit
e kasi i have grown so big
so big that i became waterproof
minsan sinasabi ko na lang
Lord bakit mo ba ako ginawang tao
sana kapre na lang ako
para tuwing Ber Months
at tuwing tag-ulan e ako din ay kinakasal
para kahit manigas ako sa lamig
atleast inlababo naman ako
pero ganun pa man
badtrip pa rin ako
kung sinumang kapre yang kinakasal na yan
wag naman sanang dalas dalasan
ang pagpapakasal
hassle yung baha e
tapos after ng ulan
i mean, after ng kasal nila
honeymoon naman
lights off
brown out
nakakabadtrip kaya
e kung ba naman may
grand kasalan day ang mga kapre
tapos itatapat pa nila sa examination day ko
tapos isabay na din nila honeymoon nila
e di sana tiba tiba na rin ako
sana may kapreng makabasa ng blog ko
o alam mo na mga request ko, dear kapre.
pagbigyan mo na ako minsan lang
sa tuwing masaya ka naman
dahil kinakasal ka
at may ulan effects pa
e ako naman ay nalulungkot
hay.
sana kasi kinuha mo akong abay
layp is neber peyr
del wid et
No comments:
Post a Comment