pasok lang! tuloy kayo!

BARYA LANG SA UMAGA!


BARYA LANG DIN SA GABI!


BARYA LANG FOREVER BOSS!

Monday, August 23, 2010

grabe ka Captain Mendoza

alam mo.





ang sama mo.




kung anuman dahilan mo sa paggawa mo nyan, ewan ko na lang.





pwede pa naman kasi natin pag-usapan yan





bakit ba ang dami mo pang dinamay?




e wala naman silang kinalaman sa pinagdadaanan mo!?







ang sama mo.






okay. 'nuff said.

PINAKAMASAYANG ARAW

nag simula kaninang umaga

paggising ko akala ko tagilig na ako

una sa lahat, LATE NA AKO NAGISING.

9:00 am na

pero 9:40 ang klase ko

NAPAKA PUNCTUAL KO FOREVER :(

pero dahil nga TODAY IS A GOOD DAY
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
10:00 po nag start ang klase TAPOS!!!
wala naman talagang formal lecture :))

I LOVE YOU LORD.

pangalawa.

kinuha ko exam result ko :)

AYIE!!!

PANGATLO

debate sa scienvc: win

debate sa soctec: win


REVISIONS NG PAPER NAMIN:


TAPOS NA POOOOOOOOOO!!!! :D

theeeeeeeeeeen....

EEEEEEEEEEEEEEEEEE....


nakuha ko na yung integrative essay ko sa soctec, over 10, hindi na rin masama :D hahaha. AP din e :D ;)


HINDI AKO INSPIRED!!!


I'M JUST TAKING MY STUDY HABITS INTO A WHOLE NEW LEVEL


alam na....MAY PINAGHUHUGUTAN! :)))


kelangan ko na magseryoso :(

ito na pinili kong program, kelangan maintindihan ko na lahat ng pinaggagagawa ko.


PAPASA AKO!!! :D


PAPASA AKO! PAPASA AT PAPASA AKO!!!
ngayong term na to.


\:D/



I LOVE YOU MONDAY! :-*

Saturday, August 21, 2010

AYOKO SANA MABADTRIP E. kaso gutom ako. TAPOS WALANG MAKAIN.



mga gagong sagot sa gagong tanong

1. TULOG KA NA BA?

-OO! OO KITA MO NGANG NAGAWA PA KITANG SAGUTIN! OO TULOG NA AKOOOOOOO!!!


2. BUNTIS KA PALA?

-HINDE! BUNDAT LANG AKO! INUBOS KO BUONG LECHON!!!



3. ay namamanhid? anong feeling?

-MASARAP! MASARAP NA MASARAP! SOBRANG SARAP! HEAVEN!

4. mag isa ka lang?

-HINDE! HINDE HINDE! KASAMA KO IMAGINARY FRIENDS KO! SAMPU KAMI LAHAT! BILANGIN MO PA!!!

5. wow gabi na ba?

-OO KAHAPON PA! KAHAPON PA GABI! WALA KANG MALAY!

6. (pagtapos madapa) OK KA LANG? MASAKIT BA?

-HINDE! MASARAP! EXHIBITION KO YON E! TIGNAN MO NGA O WALANG DUGO! ANG SARAP! ITRY MO!

7. (habang nagtatanggal ng tinga) KUMAIN KA NA?

-hindi pa! INAALIS KO LANG YUNG MGA TUMUBONG TINGA SA NGIPIN KO!

8. totoo bang masaya ang mga manok sa Jollibee nung pinatay at niluto sila?

-MALAY KO! MANOK BA KO SA JOLLIBEE! SILA TANUNGIN MO!

9. pwede pa bang gamitin ang a.m radio sa gabi?

-HINDI NA! PANGHAPON LANG YAN!!!! badtrip ka e.

10. (pagkatapos maligo at basang basa pa) NALIGO KA NA PALA!

-hindi pa! PINAGPAWISAN LANG AKO! BANGO NG PAWIS KO NO!


e. ang korni ko e. wala kasi akong maisip. sige dagdagan nyo na lang pag meron kayo naisip! :>

paalam! babye! :D

AALIS KA NA?

hinde! hindi pa! shit ka! BABYE NGA E! ibig sabihin nyan HAPPY BIRTHDAY!

sa dami ng gagawin ko, natulala na lang ako.

una sa lahat, gusto ko simulan tong blog na to ng isang mainit na pagbati

MAGANDANG UMAGA LOURDES!!! :))

FOR ONE REASON:

wala naman kasi ibang dumadaan dito sa blog na to
kundi ako rin mismo :))

at least nagpapakatotoo ako :))

AYAW NYO KASI PANSININ BLOG KO E :(( sobrang busy nyo :|

ok

sa dami ng gagawin ko natutulala na lang ako

kaninang 11pm, August 21, 2010, sinabi ko sa sarili ko
SISIMULAN KO NA SPEECOM PRESENTATION KO

e 3:26am na ngayon, August 22, 2010

wala parin akong nagagawa

isa lang...tulala ako e.

hindi ko alam paano ko sisimulan

hindi naman siguro sa hindi ako inspired pero alam mo yon?

KULANG SA TULAK E! wala pang pressure e T_T

siguro ganun lang talaga ako,

gusto ko munang mag-usok tenga ko sa katarantahan ko bago ko simulan ang mga bagay bagay

lagi na lang ako naghahangad ng adrenaline rush bago ako mag trabaho

alam ko naman masamang bisyo yon

pero masisisi mo ba naman ako na isang linggo akong di natulog nung nakaraang linggo

kasi ba naman isang daang porsyento ng lakas ko binuhos ko na para lang sa iisang subject requirement T_T tapos may revisions pa pala yon.

grabe. di ko talaga akalaing ganito ka-stressful ang pagiging college student

SUSMARYOSEP. so sobrang hirap e napilitan akong mamaalam sa napakagandang frizzy hair ko

HALOS MAPANOT NA AKO sa paglalagas ng buhok ko.

sabi nila sa init lang daw ng panahon

E PANO NAMAN AKO MANINIWALA MULA UMAGA HANGGANG GABI NASA DE-AIRCON NA KWARTO AKO!

malakas ang paniniwala ko, pressured na ako sa pag-aaral ko kaya ganun.

CONGRATULATIONS TO ME! NAG-AARAL NA AKO!!! FINALLY!!! :p

hindi kasi naglagas ng ganito buhok ko nung highschool e. KASI NGA TAMAD AKO DATI.

pero naalala ko nga

sabi nila

"do not do something great when you cannot handle the congratulation"

KUNG ANUMANG KONEK NON SA BLOG?


ewan ko.

trip ko ilagay e :))

SIGE PAALAM. mamaya ulit. GISING NA NANAY KO E T_T

ayokong msermunan sa ganitong oras

BADTRIP AKO! :)) JOKE LANG! :p


PS. mahal kita alam mo yon, sana wag mo sayangin yon
TO: SANDES.

Monday, August 9, 2010

b-a-d-t-r-i-p-k-a-p-o. F-U-po.

sa totoo lang

hindi ko maisip ng lubos

bakit sadyang may mga taong hindi ka titigilan

hangga't di nila nakikitang nasisira ka?

ANO BANG NAGING KASALANAN KO AT KINAKAILANGAN

PA NA TAGAIN AKO SA LIKURAN KO?

nananahimik na naman ako e

sinusubukan ko

hakshuli

LUMAYO NA NGA AKO KAHIT WALA AKONG GINAGAWANG MASAMA IN THE PERS PLEYS.

alam mo na, iwas pusoy, iwas usapan, iwas away.

PERO BAKIT AYAW NYO KO TIGILAN???


watchorprablem???

hay, kung anuman yang pinoproblema nyo...

problemahin nyo na yan.

siraan nyo na lang ako ng siraan forever

alam ko naman sinong tunay na kaibigan ko

alam ko kung sinong nakakakilala sa akin

at kung sinasabi nyong wala akong tunay na kaibigan

aba, PARA KANG NAGTUTOK NG BARIL SA SARILI MO


baka sarili mo mismo ang tinutukoy mo
na sinasabi mong
isa sa mga huwad kong "kaibigan"


poryerhimfurmesyon

TAHIMIK NA AKO

hindi ko lang talaga matiiis yang ginagawa mo

na ako na ang inargabyado mo,

ako na tinapaktapakan mo

ngayon ako pa pag mumukhain mong peste?
shet. demet.stapet. plez!

TUMAHIMIK NA AKO E. hindi rin naman kasi ako nag salita ever since.

TUMAHIMIK KA NA LANG DIN. stop talking shit about me. :D

Nagmamahal,

Ipis.

Sunday, August 8, 2010

MAY KAPRENG KINAKASAL!

pustahan pa tayo, pre.

pag umakyat ka sa langit
na hindi ko naman alam kung nag eexist ba talaga o hinde
e sure ako
may kapreng kinakasal
ang lakas kasi ng ulan
kasing lakas ng tama ko sayo

pero since ang kapre e nasa puno lang
binabawi ko na
joke lang
walang kapre sa langit
pero siguro meron
kapreng mabait na natepok
umakyat sa langit
sing taas ng paghanga ko sayo

sa lakas ng ulan
wala akong magawa
kundi mag emote
kasi ang hina ng wifi
kasing hina ng pag-asa ko sayo

sa lakas ng ulan
at sa taas ng baha
bakit di pa ako tinangay ng hangin
papunta sa kinalalagyan mo?
bakit?
unfair.

tapos ito pa
napapaemote ako
kasi naaalala ko pa ang mga panahon
kung kailang bonggang happiness ang binibigay sakin ng ulan
paano, no classes kinaumagahan
matapos ang bagyong malupit
e kasi i have grown so big
so big that i became waterproof

minsan sinasabi ko na lang
Lord bakit mo ba ako ginawang tao
sana kapre na lang ako
para tuwing Ber Months
at tuwing tag-ulan e ako din ay kinakasal
para kahit manigas ako sa lamig
atleast inlababo naman ako

pero ganun pa man
badtrip pa rin ako
kung sinumang kapre yang kinakasal na yan
wag naman sanang dalas dalasan
ang pagpapakasal
hassle yung baha e
tapos after ng ulan
i mean, after ng kasal nila
honeymoon naman

lights off
brown out

nakakabadtrip kaya

e kung ba naman may
grand kasalan day ang mga kapre
tapos itatapat pa nila sa examination day ko
tapos isabay na din nila honeymoon nila
e di sana tiba tiba na rin ako

sana may kapreng makabasa ng blog ko
o alam mo na mga request ko, dear kapre.
pagbigyan mo na ako minsan lang

sa tuwing masaya ka naman
dahil kinakasal ka
at may ulan effects pa
e ako naman ay nalulungkot
hay.

sana kasi kinuha mo akong abay

layp is neber peyr
del wid et

Thursday, August 5, 2010

nakakahiyang pangyayari

isang hapon...

galing sa school, sa Goks Lobby para precise ang kwentuhan.

lumbas na ako ng gate tapos sumakay ng dyip. tapos bumaba para sumakay pa ulit sa isa pang dyip na ang ruta e pasa-amin na.

habang nasa dyip, malalim akong nag-iisip paano nga ba ako papasa sa isa kong subject.

ayokong bumagsak don.
  • unang una, mahal tuition nung nag iisang badtrip na course yon
  • pangalawa, ayoko na madelay
  • pangatlo, strict na yung prof na maghahandle ng subject na yon sa susunod na term

para mag mukhang normal na tao, kinuha ko lang muna saglit yung telepono ko, pindot pindot, kunwari may katext kahit wala naman.

e naaburido talaga ako, e di tumunganga na lang ulit ako.

tapos di ko namalayang bababa na pala ako.
sobrang preoccupied ng kautakan ko nung mga panahon yon
kaya nung pag abot ng dyip sa may kanto sa amin

buong lakas, buong yabang at buong tapang kong isinigaw and salitang:


"BAAAAAAAAAAYAAAAAAAAAAAAAAD!!!!"



***para bumaba.***


sa sobrang lalim ng pag-iisip ko, nawala na ako sa sistema ko. natauhan na lang ako nung narinig ko yung ale sa tabi ko na nag comment pa.

"AY ANG TANGA NYA"

di ko na pinansin yung ale, di naman nya alam anong damdamin ko noong mga panahong yon, di naman nya alam mga pinag dadaanan ko at higit sa lahat, hindi nila ako kilala, so ok lang magkalat :))

pero dyahe parin, sinabi ko "BAYAD" sabay baba, parang nilegalize ko lang yung pag wawan-tu-tri ko diba! O_O

pero ang masaklap lang, masyado na talaga akong kinakabahan sa SANDES course na yon
pati utak ko kinabag na

hay. buhay. parang bato. it's hard. :| :(